InvestmentsFinancial LiteracyAsk GeriFinancial FreedomPersonal Finance

#AskGeri: Paano po matuto at mag-umpisa mag-invest?(13-min read)

Good day po sa inyo. Gusto ko po sana matuto [kung] papano mag-invest. Pano po ako mag-uumpisa, ano po [ang] mga kailangan kong gawin, bilang isang ordinaryong Pilipino. Sana ay matulungan nyo ako.

Salamat,
Louie

(Ipinadala sa #AskGeri sa pamamagitan ng email)

Magandang araw sa iyo Louie!

Bilang Buwan naman ng Wika ngayong Agosto ay napapanahon na sagutin ko rin ang email mo sa Filipino (sige na nga Taglish dahil hindi lahat ng English na salita ay madaling isa-Filipino). Maganda ang tanong mo, at ang pagkatuto at pag-uumpisa sa pag-iinvest ang siyang sinisikap naming tugunan dito sa aming website na Rich Money Hacks. Note lamang, ito ay sagot ko para sa lahat ng mambabasa sa ating website, hindi lamang para sa iyo dahil hindi ko naman alam ang detalye ng buhay mo. Kaya’t huwag mong pepersonalin at didibdibin ha? Pero sana may matutunan ka pa rin.

Paano nga ba mag-umpisa ang isang ordinaryong Pinoy na mag-invest? Paano matuto?

ANO BANG IBIG SABIHIN NG “MAG-INVEST”?

Maraming depinisyong maaring ibigay, pero sa madaling salita, ang pag-iinvest ay ang paglalagay ng pera sa mga posisyon at instrumentong maari itong kumita at lumago. Ito ay ang matalino at masinop na paggamit ng pera upang ang pera ay kumita ng higit pang pera, sa gayon, ang pera mo ay nagtatrabaho rin para sa iyo. Sabi nga namin, “the smart money is the money working hard for you, for your richer life.”

Ang pag-iinvest ay ang pagpapatubo ng pera sa mga paraang hindi kailangan aktibo kang nagtatrabaho para dito.

Advertisements

BAKIT DAPAT MAG-INVEST?

Maraming pwedeng dahilan at motibasyon kung bakit. Pansarili, pampamilya o panghinaharap. Bigyan lamang kita ng tatlong dahilan:

Inflation.

Sa panahon ngayon ay mataas ang inflation. Ito ay ang pagtaas ng mga bilihin at presyo ng mga bagay-bagay. Nagmamahal ang mga bagay-bagay sa takbo ng panahon. Hindi ito maiiwasan. Dati nasa 2% to 4% ito kada taon pero ngayong 2018, pumapalo ito sa 6%. Sa pagmahal ng mga bilihin, ang P1000 mo noon ay hindi kasing-halaga ng P1000 ngayon. Maraming mabibili ang P1000 noon kumpara sa mabibili sa P1000 ngayon.

Kaya naman, kung itatabi mo lang ang pera mo sa bangko na kikita ng mababa pa sa 1% na interest kada taon, mauubos lamang ang purchasing power nito dahil ito’y lumalago ng < 1% pero nauupos ng ~6% kada taon. Lugi ka na agad ng 5%. Ang layunin ng pag-invest ay kumita ang pera mo ng higit pa sa inflation, o higit pa sa 6% sa mga panahon ngayon. Ang layunin ng pag-iinvest ay mas mabilis itong lumago kasya sa inflation. Basahin dito nang mas malinawan ukol sa inflation.

Retirement at compounding.

Sa pagtanda natin, mahirap umasa sa mga anak natin para tustusan tayo lalo na kung retired na tayo at wala nang sariling pagkukunan ng pera. Tayo nga hirap na palaguin ang kita, sila pa kaya pagdating ng panahon. Hindi mo rin maaaring asahan ang SSS o GSIS dahil kakarampot ang makukuha mong halaga mula rito. Ngayon pa lng sinasabi ko na sa’yo na hindi yun sasapat. Kaya naman, panahon na upang wakasan ng mga Pinoy ang vicious cycle na tumatanda na walang sariling o sapat na retirement fund!

Kaya dapat, may sarili kang retirement fund na binubuo mo kahit 21 years old ka pa lang (hinulaan ko lang pero kahit ano pang edad mo, dapat ka mag-invest!). Ang punto eh habang maaga pa, dapat tayong mag-ipon at mag-invest dahil ang panahon o time ay isa sa krusyal na sangkap ng investments. Sa pagtagal ng panahon, ang maliit na halagang ni-invest mo ay maaring lumaki lalo na kung bibigyan ito ng mas mahabang panahon at hahayaang mag-compound ang income.

Ano ang konsepto ng compounding? Ito ay kung saan ang interest o kita ng investment mo ay na-iinvest muli para kumita pa ng mas malaki. Kumbaga sa negosyo, umiikot ang kita. Hindi yung kumita nga, nagastos naman sa mga bagay na walang income potential.

Eto ang isa sa mga pangarap ko. Mango farm! Simpleng halimbawa, nagtanim ka ng puno ng mangga. Mula sa isang buto na naging puno, namunga ito ng marami at itinabi mo ang 100 na bunga. Itinanim mo ang 100 na buto mula sa mga bunga na naani mo. Paglago ng mga iyon, may 101 puno ka na. Pagtagal, sa bawat 101 na puno, namunga muli ng marami at nagtabi ka ng 100 na buto bawat isang puno! Boom! Kung itatanim mo ulit ang mga ito, meron ka nang 10,201 na puno! Mula lamang sa isang buto na pinalago mo sa pagdaan ng panahon. Compounding! Exponential!

Kung binenta mo lahat ng mga bunga at hindi mo pinaikot, panay isang puno lang ang aasahan mo. Pero kung paiikutin ang pera, mas mabilis ang paglago sa pamamagitan ng compounding.

Para mas maginhawa ang buhay.

Kung marami kang empleyado na nagtatrabaho para sa iyo, malamang big time ka na. Pautos-utos na lng, pero ang kita sa trabaho nila, kahati ka. Baka nga mas malaki pa share mo kasi ikaw may-ari. Gayundin, kung marami sa pera mo eh nagtatrabaho para sa iyo sa samu’t saring investments, aba eh hayahay ang buhay kinalaunan. Malamang magtatrabaho ka pa rin sa kung saan man para hindi ka ma-bore, pero hindi ka rin stressed at pagod na kailangang kailangan mo yung pera. Hindi mo kailangang kumayod ng bongga araw-araw dahil alam mong ang pera mo ay nagtatrabaho para sa iyo. May katulong ka sa pag-asenso.

Kung titingnan mo ang mayayaman, oo maaring may trabaho rin sila, o malamang may negosyo, pero karamihan sa mayayaman ay hindi lamang iisa ang pinagkukunan ng kita. Pare-pareho tayong may 24 oras kada araw pero mas malaki ang kita nila dahil marami silang pinanggagalingan ng kita — passive income mula sa investments. Hindi kailangan magpakamatay sa pagtatrabaho para sa pera. May mas mainam at mas wais na solusyon — pagtrabahuhin mo ang pera mo.

Hindi rin solusyon ang maraming anak para may kaagapay ka sa pagtatrabaho. Ang kailangan, maraming pera na kumakayod para sa iyo.

Advertisements

PAANO MAG-INVEST?

Mag-aral at mag-ipon.

Bago mo isugal ang pera mo, dapat alam mo ang ginagawa mo. At dapat may pagkukunan ka ng kita mo. So kung may trabaho ka, mag-ipon ka muna. Hindi pwedeng bara-bara, isusugal na agad ang kaunting naipon (ginawa ko ito dati haha!). Huwag magmadali (ako rin ito dati), pero huwag din magsayang ng oras. Habang nag-iipon ka, mag-aral. Basahin mo lahat ng articles sa website na ito. Madaling matutunan ang iba, at hindi kailangan magaling sa Math!

Pansin ko sa mga tao sa social media, mahilig magtanong pero tamad. Huwag mo sila gagayahin ha. Mas madali turuan at mas masarap kausap yung alam mong kahit papano eh nagresearch at nagbasa man lang. Maraming pwedeng pag-investan ng pera mo, depende sa OHA mo — objectives, horizon at appetite. Kung ano ang OHA, basahin mo rito.

Kaya naman, payo ko sa’yo, basahin mo lahat ng articles namin dito. Kung hindi alam saan mag-sisimula dahil marami, napaghandaan na namin yan! Magsimula ka sa aming Newbie Guide. Isa-isahin mo yan. Pag may tanong, usap tayo kapatid!

Kailangan mo ng trabaho o negosyo para may pagkukunan ka ng pangtustos sa araw-araw na gastusin. Bago mag-invest, kailangan may ipon ka. Dahil kung may ipon ka, ibig sabhin:

  • Kaya mong buuin ang emergency fund mo. Back-up mo ito para sa emergencies, para hindi mo kailangan ibenta ang investments mo kapag nagkagipitan.
  • Kung may ipon ka, ibig sabihin may extra ka. Ibig sabihin, hindi ka gipit na gipit. Hindi ka naghihikahos. Kasi kung sakto lang ang kita mo para sa mga gastusin (maraming ganito sa Pinas), hindi ka pa pwedeng mag-invest. Kailangan mo munang bawasan ang mga gastusin mo at palakihin ang kita mo para magka-extra, na magiging ipon, na pang-invest mo ‘pag nagtagal. SExD101 yan pare ko.
  • Disiplinado ka sa pera. Importante yun.

Magsimula sa basics.

Pagkatapos mong maka-ipon, pwede mo na simulan mag-invest. Una mong gagawin ay mag-open ng account sa bangko. Kahit anong bangko, pero maganda yung madali mong mapuntahan. Kasi kung may bank account ka na, pwede ka na rin mag-avail ng mga investment options na offer nila pag tumagal.

Pagkatapos mo magbukas ng bank account, dun tayo sa basics.

Maraming options for investment, yung mejo low risk ay yung mga high yield deposits gaya ng Pag-ibig MP2, pwede rin yung mga corporate bonds o retail treasury bonds. Sa mga ito, malaki ang chance na mas malaki ang kita mo kaysa sa inflation rate at mababa ang chance na malugi o mabawasan ang kapital mo, assuming tatapusin mo yung term ng investment. Click mo lang yung mga sumusunod na link at basahin isa-isa para mas malinawan ka kung ano yung mga ito:

Sa mga ito, halos guaranteed ang interest (kahit paiba-iba ang rate) pero below 10% lang yan usually. Medyo long-term din ito, 5 years pataas kadalasan. Isipin mo parang time deposit pero di hamak na mataas ang kita. Isipin mo rin, hindi mo ito pwede i-withdraw kaya importante na extra money mo ito. Kung nagkataon na wala ka emergency fund at savings dahil ni-invest mo lahat, eh lagot pag nangailangan ka. Para mo na ring binunot yung 100 na puno ng mangga na hindi pa namumunga. Saklap!

Proteksyon mo at ng pamilya mo.

Matapos mo aralin at subukan yang mga nasa itaas, time to protect your self and your income. Bakit? Kasi pag nawala ka, kamusta naman yung mga pinapakain mo, kung meron man? Kung may taong umaasa sa iyo, consider insurance. May insurance na purong insurance lang na may makukuha pamilya mo kapag namatay ka na, merong insurance na may investment din para may makuha kang halaga kahit hindi ka pa patay, pang tuition, panghulog sa bahay, pag-nagkasakit ka, etc, tapos may bonus ka kapag namatay. Bakit mahalaga ang insurance? Dahil sa libong itatabi mo sa kanila, posibleng milyon ang kapalit kapag may nangyari sa’yo. Kung kailangan mo pa ng pangkumbinse, heto i-click mo: Golden Goose and Money Machine: Why You Need Insurance?

Advertisements

Aralin pa lalo yung investments na mas malaki ang kita.

Yung medyo higher risk ay yung UITF / Mutual Funds at mas lalo pa yung stock market. Sa mga ito, pwedeng mabawasan yung kapital na nilagay mo at malugi. Gaya ngayon laki ng lugi sa merkado, bagsak ng 2%, isang araw pa lang yun ha! Pero kung magagawa ng tama, posibleng 10% per year o higit pa kikitain mo dito. Siyempre hindi guaranteed gaya nung nabanggit sa taas.

Sa UITF / Mutual funds, ibibigay mo lang yung pera mo sa bangko o sa fund manager, sila mag-iinvest para sa iyo. Yung investments na ito, iipunin nila yung maliliit na halaga na bigay ng publiko at iinvest din nila sa mga bonds na nabanggit sa taas, o sa stock market na dadaanan ko mamaya. Bago ka naman mag-open ng UITF/ mutual fund ay ipapaliwanag pa nila ng mas malalalim ito sa’yo. Heto ang ilan pa naming articles ukol sa UITF at mutual funds. Sa paborito mong bangko pwede ka magtanong ukol dito. Siyempre, dahil sila ang mag-manage ng pera mo, may mga commission at service charges sila.

1% lang ng mga Pinoy ang may pera sa stock market kaya’t hindi dapat ito pinapasok basta-basta. Mas puspusan pang aral ang kailangan kung maglalagay ka ng pera sa stock market. Karamihan sa maliliit ang puhunan, online account ang gamit sa pagbii at pagbenta ng stocks sa market. Pwedeng BDO Nomura, BPI Trade, First Metro ng Metrobank, COL Financial at marami pang online trading platforms. Sa stock market, nagkakaroon ng pagkakataon ang maliliit na investors na gaya natin na magmay-ari ng sapi o shares ng mga kumpanyang nakalista sa PSE, mga malalaki at maliliit na kumpanya. Maganda di ba?

Ang palitan ng mga shares na ito ay market driven, meaning kung anong halaga ang tingin ng mga buyers o sellers (na pag pinagsama mo ang tawag ay market), kung anong mapagkasunduang halaga ng buyers at seller ay yun anf share price ang masusunod for that transaction. Hindi na mahalaga kung paano nila na-compute kung ano man ang halagang iyon, o kung ano mang alam nila na hindi natin alam. Basta, willingness to buy at willingness to sell lang, base sa konsepto sa economics. Multiply this sample transaction a thousand times, yung ang isang trading day sa stock market.

Kung tingin ng seller ay 960 per share ang halaga ng shares ng SM, at merong buyer na nais bumili nito sa 960, yung ang share price nya sa puntong iyon. If merong willing na bumili ng 970, 980 o kung magkano man dahil tingin nya ay masyadong mura at undervalued ang SM sa 960, o dahil may alam syang mas magpapataas sa value nung company, then aakyat ang share price ng SM to 970 o higit pa. If tingin naman ng isa, palugi na si SM (sample lang ha) at gusto na nya makabenta sa lalong madaling panahon, as in now na, eh baka ibenta nya ito ng 900 para lang maubos na agad ang hawak nya.

Kumikita ang investment kapag nakabili ka ng mura at umakyat ang presyo tapos binenta mo. O kaya naman nakatanggap ka ng profit-sharing mula sa kumpanya, also known as dividends. Lugi ka kung mahal mo nabili tapos boom! bumaba ang presyo tapos binenta mo. Kung umakyat o bumaba na ang preyo pero hindi ka pa nagbebenta, paper gains o loss ang tawag dito. Meaning pwede ba madagdagan o mabawasan sa mga susunod na araw yung gain o loss mo. Depende rin sa appetite mo kung gaano mo katagal hahawakan ang isang stock na meron ka. Depende rin sa kaaalaman mo kung magiging investor ka ba o trader. Karamihan nagsisimula bilang invetsor (long-term, focused sa fundamentals) then pag mas gamay na nila ang merkado, nagiging trader at mas naka-focus sa technical analysis at charting.

Narito ang pang-paunang babasahin ukol sa stock market: Stocks Trading for Beginners: Trading Stocks Online.

Isa pang sumisikat na investment ngayon ay crowdfunding o ang pagsasama-sama ng pera ng mga investor upang ipang-puhunan sa negosyo, pananim, etc. Parang UITF o mutual fund din pero hindi sa stocks at bonds ini-invest. Hindi rin ito sa bangko inilalagay. Click mo ito para sa mga kaugnay na articles ukol sa crowdfunding.

Narito ang shortcut sa mga investment options na nidi-discuss sa website na ito: INVESTMENTS.

Advertisements

PANGHULING PANANALITA

May investment na low risk at high risk. Aralin mo mabuti. Dapat meron ka pareho pero balanse. Ang iinvest mo lamang ay perang hindi mo kakailanganin sa lalong madaling panahon. Yung perang kaya mong mawala sa’yo, yun lang ilagay mo sa high risk. Mas maganda rin kung magsisimula ka sa habang madaling panahon. Mas malayo from retirement age, mas maganda. Click mo to: Better to Start Small and Early than Invest Bigger Later On.

Mas mainam rin na hindi lang isang bagsak then tapos na. Mas maganda kung buwan-buwan na may extra ka eh mag-invest ka sa napakaraming options. Build it slowly but surely.

Mag-ingat sa mga scam. Kung masyadong mataas at “garantisado” kuno ang kita sa mga investment, malamang scam yan. Sa investments, walang sigurado, lalo na yung malaki masyado ang kita. Anong definition ng malaki? Double-digit gain guaranteed in a matter of days. Red flag na yan. I-google muna ang naturang investment para malaman kung may negative feedback sa investment na yun.

Huwag mong isipin na normal na Pinoy ka lang kaya alien sa iyo ang investment. Alien sa maraming Pinoy ang investments dahil hindi ito tinuturo sa school, unless Finance o business related ang kurso mo. At malayo pa tayo sa puntong financially literate ang mga fresh graduates natin. Maraming Pinoy ang hindi aware sa investments dahil nililimitahan nila ang sarili nila, iniisip nila na mahirap ito, pang-mayaman lamang ito, na hindi nila ito maiitindihan. Oo kailangang aralin pero lahat ng kailangang malaman nasa internet na, nasa website na ito. Kailangan lamang basahin at unawain. Kailangan paglaanan ng oras, dahil kinabukasan mo ang nakataya dyan.

Ang mga ordinaryong Pinoy mismo ang lalong dapat mag-invest dahil mas kailangan nila ng tulong para yumaman, kaysa yung mayayaman na. Kahit sinong Pinoy na may extrang ipon ay dapat na mag-invest. Bawat Pinoy na sagad at sakto lang ang kita sa ngayon ay dapat magtipid pa lalo at palakihin ang kita upang eventually, makapag-invest sila. Lahat ng Pilipino dapat nag-iinvest. Hindi na sapat ang hard work ngayon, kailangan smart work din

Sana ay nakatulong sa iyo ang sagot kong ito. Huwag mag-atubiling magtanong kung mayroong mejo malabo, message mo lang ako sa Facebook. Sabi nga ni Susan, huwag mahihiyang magtanong.

Panghuli, rekomenda ko sa’yo ang libro kong #10 Steps to a Richer Life. Oo binibenta ko ito sa mababang halaga lang naman, at promise, matututo ka. Hindi ako nahihiyang i-advertise, dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa mga Pinoy.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

May you have a richer life Louie!

Advertisements
Advertisements
Share the richer life:

What's on your mind?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.